Ang ibig sabihin ng insurance ay pag sisiguro At ito ay may maraming klase ang insurance. Meron para sa bahay, at iba pang ari arian. Meron din sa sasakyan, sa negosyo at ang pinaka importante ung para sa tao. Ung para sa kalusugan, aksidente at pagkawala ng buhay. Iisa lang naman ang pangunahing layunin ng insurance, ito ay para sa mga hindi inaasahang trahedya na pwede natin maranasan.
Sa dakong ito, ang gusto kung talakayin ay ang pinaka importante subalit kadalasang binabaliwala ng karamihan. Ito ay ang insurance para sa tao.
Hindi man natin maikukumpara ang ating buhay sa kahit anung bagay pero bilang halimbawa;
Kumbaga sa isang bagong biling cellphone. hindi natin gusto na ito ay masira kaagad o magasgasan manlang. Sa kaloob looban natin alam naman natin na hindi natin ito pababayaan na magasgasan at masira. Gusto natin itong protectahan kahit anu pa man mangyari. Subalit talaga lang merong mga hindi inaasahang kaganapan na pwede makadulot ng pag kagasgas at pag kasira ng ating cellphone. Kaya nga tayo bumibili ng cassing at screen protector.
Kung ang ating cellphone ay gusto nating protektahan, hindi bat dapat mas lalo pa nating bigyang importansya ang ating sarili. Ang insurance ay isang simpleng paraan para mabayaran ang ating sarili. Ito ay pagsisiguro na pwede padin nating maabot ang plano natin sa ating buhay at para sa ating mga minamahal. Ito ay galing sa konsepto ng damayan na kung saan pag tayo ang naharap sa isang hindi inaasahang trahedya ng ating buhay tulad ng sakit, aksidente, pagkawala ng buhay at pagkabaldado ay meron tayong tulong na maaasahan. Ito ay simbolo ng pag mamahal natin sa ating sarili at pamilya. Hindi man mapapantayan ng pera ang ating nawala subalit pwede ito makatulong para tayo ay makabangon sa dagok ng ating buhay.
No comments:
Post a Comment