Alam ko na sabik na ang lahat na talakayin ang investing, sapagkat ito ang pagpapalago ng ating kaperahan. Subalit bago ang lahat gusto ko muna bigyang diin na bago kayo pumasok sa investing ay dapat magkaroon muna kayo ng sapat na emergency fund at insurance. Sapagkat ang investment ay may halong risk o ang tinatawag natin hindi kasiguraduhang. Ang kahalagahan din ng pag kakaroon ng emergency fund at insurance ay para masigurado na hindi maapektuhan ang iyong investment pag ikaw ay naharap sa mga hindi inaasahang trahedya sa buhay.
Mahala ga din na bago ka mag invest ay iyo muna pag planohan at pag aralan kung saan ka mag iinvest. Kailangan mo din na magkaroon ng mahabang pasensya sa pag iinvest sapagkat hindi naman agad agarang kikita ang iyong investment. Kadalasan kailangan ng mahabang taon bago lumago ang iyong pera. Ang pinakamahalaga sa lahat ay kailangan natin mag invest kaagad matapos natin pag planohan at matapos natin pag aralan ang investing. Para sa karagdagang kaalaman, gusto ko po sana ibahagi ang video na ito;
No comments:
Post a Comment