Ahorros

Bakit Kailangan pang mag ipon ?

Ang masayang pag iipon ang pinakapundasyon para tayo ay makalaya sa kakapusan. Kaya bago ang lahat, gusto ko muna gustom ko muna bigyang diin ang kahalagahan nito.

Pag tayo ay tinatanung kung bakit tayo nag iipon ang sagot natin;

01. Para sa ating kinabukasan

02. Para sa mga hindi inaasahang bagay

03. Para sa ating mga pinapangarap

Sa madaling salita, "It's all about the money".

Pero may mas malalim pa na dahilan kung bakit. And it's about; 

"forgoing the Ordinary for the Extraordinary".

Kumbaga sa isang ordinaryong pinoy na sumasahod ng hindi kalakihan pero nangangarap magkabahay, ito ay posible. Pwede naman tayong umiwas sa mga bagay na hindi naman talagang kailangan. Mga bagay na madaling kalimutan. Dahil sa pag sasantabi natin ng mga Ordinaryong kagustuhan, pwede tayong makaranas ng ginhawa sa buhay. Dahil sa ating pag titiis, pwede natin maranasan ang mga bagay na hindi natin makakalimutan. Gaya nalang ng dream vacation, dream house, dream car, dream retirement. 

Huwag nating isipin na tayo ay kawawa dahil tayo ay nag titipid. Sa panahon ngayon dapat tayo ay maging practical. Kung gusto natin na umasenso, kailangang mag umpisa sa atin mismo.

(sharing a video about saving, I hope you find time to watch and learn from it)

No comments:

Post a Comment